Monday, March 8, 2010

Ultimo Adios

Ang Huling Paalam
ni Daniel Ramos

Pinahintukong paaralan ay paalam
Ang nagdaang oras na lumipas;
Sa bawat araw ay nandiyan ka
Upang ako’y lumakas na parang bakal.

Paalam Inang Bayan, binuhos mo ng aral;
Binigay mo ng magandang budhi
Na parang busila't kumislakislap,
At tulad ng isang niyebe.

Lagi ka nandiya’t nagbigay liwanag
Hindi lang ako, kundi ang lahat;
Ikaw ang nagbago ng lahat
At hindi kayang bayaran sa bawat aral mo.

Paalam aking Inang Bayan
Lagi kitang tatandaan
Kahit maputi man ang buhok ko;
Nandito ka pa rin sa loob ng puso ko’t aalagan.

Kahit man mawala ako, aking Inang Bayan
Sa bawat araw at gabi man;
Basta’t hindi mapanaw ang bawat aral
Na binuhos ng parang mga ulan galing sa langit.

Binabasbasan mo ang lahat
Upang magkaroon ng mayaong buhay
Sa bawat mag – aaral dito sa bansa
Na aking pinahintukong bayan ay paalam.

Hindi ko alam kung anong araw ang susunod
Sa bawat hakbang ng pagbabago;
Baguhin mo ang lahat ang mag – aaral
Upang hindi sila mabulag, parang isang bulag.

Huling paalam, aking Inang Bayan
Kahit hindi nila ako makita
Ay basta’t magkasama sa puso
At kadugtong ng buhay na may pagbabago.