Sunday, March 17, 2013

Pag-ibig

    Bawat tao ay may karapatang magmahal. Ipinaparamdam mo sa kanya kung gaano siya kamahal at saka gagawin mo ang lahat para ito'y mapasaya mo ang pusong iniirog. Bawat kilos ramdam mo pa rin na mahal na mahal mo siya dahil siya pa rin ang tinitibuk ng puso mo at saka siya ang dahilan kung bakit siya pa rin inspirasyon mo araw at gabi.
    Kahit man malayo, gagawin mo ang lahat para pumunta sa kanya at ibigay ang pagmamahal at ibuhos mo ang lahat para siya ay maging masaya. Sa una mong pagpunta doon, maayos naman ang pakikisama. Sumabay pa kayo kakain kasama ang pinakamamahal mo sa buhay para maging masaya. Ipinaramdam mo sa kanya sa pagpunta doon kung gaano mo siya kamahal. Sabi mo pa sa kanya na magkikita kayo bukas sa paaralan. Di mo akalain, naghihintay ka ng wala. Hindi man lang agad nagtext sa iyo. Sa ganito, walang respeto sa pag-ibig kundi sarili niya iniisip. Sana'y lahat tayo ay huwag tayong makasarili.
    Sa kinabukasan, kayo ay nagkasundo na sasabay kakain para magdate at maging masaya. Naghihintay ka ng wala at di pa agad nagtext sa iyo. Masakit masaktan ng ganito.
    Bago ka umuwi ka inyo, gusto mo sana makita siya kahit papano. Nakauwi kana sa inyo. Ang pag-uwi mo, sasabihin niya pala ay ayaw na sa iyo. Noong itanong mo sa kanya kung bakit ayaw niya eh wala namang sapat na dahilan. Umiiyak ka ng hating gabi hanggang hapon sa sakit naramdaman kung bakit ka niya iiwan ng ganon. Mahirap maunawaan kung bakit niya ginawa iyon. Para kang ginago at pinagturpehan sa pagpunta sa kanya. Ang pag-ibig ay mahirap maintindihan kung minsan.
    Sa kinabukasan ay nalaman mo may mahal pa siya ng iba. Sa ganito ay wala siyang respeto sa iba na nasaktan. Isipin natin na kung ano man itinanim mo ay ganyan din ang maibabalik sa iyo. Sana'y 'wag tayong makasarili at dapat may dignidad tayong magmahal.
  
    

No comments:

Post a Comment